Residency... relatively ok. Eh ganun talaga pag training, minsan ayaw mo nang pumasok, madalas nakakapagod dahil sa workload, minsan stressful lalo na pag patients die on you, like on me, at kung nanonoxic ang consultant (pero wala nang totoxic pa sa toxic kuno AMBIANCE ng UST). I think kahit saan naman ganun. Ika nga, no guts, no glory, o kung mas pessimistic ka, shit happens. Ilan sa mga ayaw ko yung mga nagwawala pag ginigising, yung mga mabaho ang hininga (djahe mag-intubate at extubate), yung mga kailangan na mag dopamine, at yung mga mag papa- "This is a case of..." sa akin. At of course, mga nagco-code. Pero ganun talaga. Minsan, feeling ko, ako ang weakest link, pero sa mga oras na ganun, iniisip ko na hindi ko kailangan na ikumpara performance ko sa iba dahil, sarili ko lang kalaban ko. Ang goal ko lang naman ay maging isang mabuting anes, hindi makakapatay ng pasyente pag mag-isa na ako sa practice ko. Ganun lang naman yun.
But generally speaking, I have no regrets over my choice of residency be it the hospital or the specialty. It helps a lot that my Mark is just around. It gives me a lift whenever nagkakasalubong kami sa hospital. Natutuwa ako everytime may case ako for spinal anesthesia (at marami rami na rin nagagawa ko)... favorite ko yun eh. Ok din pag ang pattern ng intra-op monitoring ko ay tuwid at nasa normal range; at pag napapahinga ko na ang pasyente spontaneously kapag papatapos na ang OR; kapag papatapos, at tapos na ang OR, ok din. Masaya din pag dumadating na ang mga rasyon ng gamot, lalo ng fentanyl, midazolam, at ephedrine. Mga seniors ko naman, laging nagtatanong kung naka-kain na ako. Kaya ang 3 meals a day. At nakakatuwa pag sinasabi ni Dr. Sulit (isang big time anes) na 'you can make your 1st million in less than a year after you graduate' from the training. Basta maayos ang gawa. Sana nga diba. Hindi ako nangangarap maging milyonarya pero gusto ko na maayos at maaliwalas ang buhay ko at ng pamilya ko. Bukod syempre sa "I want to help humanity".
Saturday, April 14, 2007
The following is an extract from an email I wrote for an old friend. I seldom come up with an articulate opinion of my residency, so might as well share it here. It's in my native tongue though, so sorry to the english speaking netizens who accidentally stumbled upon my abode.
No comments:
Post a Comment